3.6K Albayanos tumanggap ng P13.5M TUPAD assistance

LEGAZPI CITY (ALBAY) — Aabot sa Php13.5M na halaga ng emergency employment assistance ang natanggap ng 3,698 informal workers mula sa lungsod ng Legazpi at lokal na pamahalaan ng Guinobatan.

Naganap ang payout para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol nitong Pebrero 8 at 9.

Nakatutok ang TUPAD program sa mga proyektong pang-komunidad tulad ng pag-aayos, paglilinis, o pagpapanatili ng mga pampublikong pasilidad.

Karamihan ng mga benipisyaryo ay mga small vendor, magsasaka, drayber, mangingisda, laborer, at kababaihan na hindi sapat ang kinikita sa kanilang pang-araw araw na pangangailangan

Kasama sa mga trabaho ay social community projects tulad ng repair at maintenance ng common public facilities at infrastructures kabilang na ang mga paaralan at health centers.

Para sa mga lugar sa mountaneous areas, karaniwang gawain ang tree planting, road clearing, community gardening at clean-up drive. Sa mga coastal areas naman ay coastal clean-up at community gardening.

Ang mga benepisyaryo ay dumaan sa orientation at nakatanggap din ng insurance at personal protective equipment (PPEs) bago sumabak sa trabaho. (With reports from Ann Jubelle F. De Vera, BU intern/PIA5/Albay)

In other News
Skip to content