3 tourism enterprises sa Palawan, ASEAN tourism standard na

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (PIA) — Tatlong tourism enterprises sa Palawan ang akreditado na bilang ASEAN tourism standards.

“Kasama rin tayo sa mga ASEAN levels, ASEAN tourism standards. We checked out Daluyon Beach and Mountain Resort, Princesa Garden Island Resorts and Spa in Puerto Princesa and Club Paradise in Palawan, these are what we called ASEAN level na, pang-international na mga standard ang nakaya nila,” ang pahayag ni Department of Tourism (DOT) Mimaropa Regional Director Roberto P. Alabado III.

Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas nito lamang Hulyo 9 na isinagawa sa Calapan City, Oriental Mindoro, sinabi ni Alabado na ang akreditasyon ng mga tourism establishments ang isa sa mga programa ng DOT na tinututukan upang magkaroon ng ligtas, komportable at legal na mga tourism enterprise para sa mga turista.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Alabado na kung pagbabasehan ang national level ay nasa 10 porsyento ng mga akreditadong establisyemento ay nasa rehiyong ng Mimaropa na umabot sa 1,526 DOT-accredited establishments at karamihan sa mga ito ay matatagpuan sa lalawigan ng Palawan.

“Most of our establishments that are DOT-accredited are actually in Palawan, kasi nandoon din ang bulk ng ating mga turista,” dagdag ni Alabado.

Sinabi din niya na makikita ang mga listahan ng DOT-accredited establishments sa pamamagitan ng pag-scan ng mga QR codes sa mga banners na inilagay ng DOT sa mga seaports at airports. (OCJ/PIA MIMAROPA-Palawan)

In other News
Skip to content