6 rape cases naitala sa 4 bayan sa Romblon sa unang dalawang buwan ng 2023

ODIONGAN, Romblon (PIA) — Nakapagtala ang apat na municipal police station (MPS) sa probinsya ng Romblon nang anim na rape cases sa unang dalawang buwan pa lamang ng kasalukuyang taon.

Ito ang ibinahagi nina P/CAPT Nanette Pablico ng Calatrava MPS, P/CAPT Albert Jure Fernandez ng Santa Maria MPS, P/CAPT Elvis Galicia ng San Andres MPS, at P/LT Von Edades ng San Agustin MPS sa ginanap na press conference ng PNP nitong Linggo, February 19.

Ayon sa ulat ng apat, tag-dalawa ang naitala sa bayan ng San Agustin at Calatrava, at tag-isa sa bayan ng Santa Maria at San Agustin.

Sinabi ni Lt. Edades na ilan sa mga naitala nilang kaso ay mga menor de edad na nahikayat nang kanilang mga kausap sa social media na makipagkita sa kanila.

Aniya, bagama’t may concent ang biktima sa nangyari, menor de edad umano ang ilang biktima kaya nakasuhan parin ang mga suspek.

Itinuturo ring factor ng kapulisan ang pagiging accesible ng mga porn sites sa mga teenager na nagiging dahilan umano nang pagkapisok ng mga ito.

“Nagiging factor rin yan [porn sites] kasi na-expose ‘yung mga bata nagkakaroon na sila ng idea. Napakalaking ano —yang social media,” pahayag ni Captain Fernandez.

Bilang tugon umano sa mataas na bilang na ito, sinabi ni Fernandez na ang bawat municipal police station ay nagsasagawa ng interventions para mabawasan ito kagaya nang pagbuo ng grupo ng mga kalalakihan na puwede nilang bigyan ng lectures patungkol sa mga ganitong kaso, at ang pagsasagawa ng kabilaang checkpoint para maharang naman ang ilang kabataan na personal na pumupunta pa sa mga bahay ng kanilang mga karelasyon. (PJF/PIA MIMAROPA)

In other News
Skip to content