LUNGSOD QUEZON, (PIA) —Kung isa kang operator ng pampublikong sasakyan at mayroong bisa ang iyong Certificate of Public Convenience (CPC) o Provisional Authority (PA), maaari kang makatanggap ng subsidiya sa ilaim ng Pantawid Pasada Program sa pamamagitan ng alinman sa mga sumusunod:
• Existing at Valid na Pantawid Pasada Program (PPP) Card; o
• Existing at Valid na Fuel Subsidy (FS) Card; o
• Bank Account
Kung ikaw naman ay kwalipikadong benepisyaryo at nais mo pa lamang kumuha ng mga nabanggit na PPP o FS Card, maaari kang makipag-ugnayan sa iyong LTFRB Regional Franchising and Regulatory Office (RFRO) upang malaman kung maaari nang makuha ang iyong PPP o FS Card.
Halina’t alamin ang halaga ng subsidiya na iyong matatanggap batay sa uri ng pampublikong sasakyan na mayroon ka.
P10,000
Modernized Public Utility Jeepney (MPUJ)
Modernized Utility Vehicle Express (MUVE)
P6,500
Traditional Public Utility Jeepney (TPUJ)
Traditional Utility Vehicle Express (TUVE)
Public Utility Bus (PUB)
Minibuses
Taxis
Shuttle Services Taxis
Transportation Network Vehicle Services (TNVS)
Tourist Transport Services
School Transport Services
Filcabs
P1,200
Delivery Services
P1,000
Tricycles
Bilang paglilinaw, nais bigyang-diin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ang halaga na nakalaan sa bawat nabanggit na pampublikong sasakyan ay nakadepende sa dami ng konsumo na kailangan nito upang makapasada.
Muling sinimulan ng LTFRB) ang pamamahagi ng subsidiya sa mga operator ng mga pampublikong sasakyan ngayon Miyerkules, Setyembre 13 bilang tulong sa gitna ng patuloy na pagtaas-presyo ng mga produktong petrolyo.
Kasunod ito ng nilagdaang Memorandum of Agreement at Joint Memorandum Circular No. 02, series of 2023, ng Department of Transportation (DOTr), Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Budget and Management (DBM), Department of Energy (DOE), LTFRB, at Land Bank of the Philippines (LBP).
Para sa iba pang katanungan at hinaing, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa official Facebook page ng LTFRB o magpadala ng mensahe sa Public Assistance Complaint Desk (PACD) ng naturang Ahensya. (ltfrb/pia-ncr)