PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) — Bumisita sa Palawan ang Ambasador ng Pilipinas sa Vietnam na si H.E. Meynardo LB. Montealegre nito lamang Enero 27, 2023 kung saan kanyang inilatag sa mga opisyales ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Gob. Victorino Dennis M. Socrates ang nais na twinning arrangement sa pagitan ng Vietnam at Palawan.
Nais din nito na mas mapatibay pa ang ugnayan ng Pilipinas at Vietnam pagdating sa kooperasyon sa maritime security, tourism, education, trade, at defense.
Sa kanyang pagbisita sa Palawan kasama si Department of Foreign Affairs Regional Consular Office Head sa Puerto Princesa Carolina Constantino ay malugod silang sinalubong ng mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan.
Handa namang magbigay ng suporta ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa nais na ugnayan ng Vietnam sa lalawigan.
Bumisita rin ang Ambasador at ang kanyang grupo sa Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa at nakipag-pulong ang mga ito kay Mayor Lucilo R. Bayron at ilang opisyal ng lungsod. (OCJ/PIA-MIMAROPA)
Larawan sa itaas mula sa PIO-Palawan