Kabilang na sa kinaugalian ng mga Pinoy ay ang pagkain ng meryenda. Madalas ito ay sa gitna ng pagkain sa pananghalian at hapunan. Kung sa ibang kultura ay may “snack time,” sa atin ay may “meryenda”.
Ang Abril ay Buwan ng Pagkaing Pilipino! Ngayon, ating alalahanin at balikan ang mga kwento ng mga paborito nating meryenda. Ikaw, ano ang paborito mong meryenda?