‘Back-to-Vax’ ilulunsad ng Puerto Princesa City COVAC

‘Back-to-Vax’ ilulunsad ng Puerto Princesa City COVAC

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) — Ilulunsad ng Puerto Princesa City COVAC ang isang na namang estratihiya upang mas pagtibayin pa ang bakunahan laban COVID-19.

Ang estratihiyang ito ay ang ‘Back-to-Vax’ na ilulunsad sa Enero 18, 2023 sa Barangay Sta. Monica sa pangunguna ng City Health Office (CHO) sa pakikipag-unayan ng PPC COVAC sa Department of Interior and Local Government (DILG), City Information Office, Barangay Local Government Units at iba pang mga stakeholders and partners nito.

Ang ‘Back-to-Vax’ na may temang ‘Pamilyang Bakunado, Protektado’ ay ilulunsad din sa mga barangay ng San Miguel, Bancao-bancao, San Pedro, Mandaragat, San Jose, Tiniguiban, San Manuel, Sicsican, Irawan at Sta. Lourdes sa Enero 23, 2023.

Nagpaala-ala din ng PPC COVAC sa mga magulang na hindi sapilitan ang pagpapabakuna, ngunit inaanyayahan ang lahat na suportahan ang mga programang pangkalusugan para sa buong pamilya upang mas higit pang malabanan ang mga sakit na dulot ng COVID-19.

Inanunsiyo naman ng City Health Office na sa pagbabalik ng bakunahan para sa COVID-19 ay kasabay rin nito ang malawakang kampanya na tinatawag na ‘Routine Vaccines’.

Ang ‘Routine Vaccines’ ay para sa mga sanggol at special population.

Nabibilang sa mga bakunang ito ay ang Measles Rubella, Oral Polio Vaccine, Poliomyelitis, Neglected Tropical diseases at iba pa. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

 

Larawan sa pinakataas: Kasabay ng pagbabalik ng bakunahan ng Puerto Princesa City COVAC ay sinimulan na rin ng City Health Office (CHO) ang kampanya para sa nakagisnang ‘Routine Vaccines’. (Larawan mula sa PPC COVAC)

In other News
Skip to content