ODIONGAN, Romblon (PIA) — Pinasinayaan noong Huwebes, Hulyo 20 ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang bagong dalawalang palapag na gusali sa bayan ng San Agustin.
Personal na dumalo sa pagpapasinaya si CG Commodore Geronimo Tuvilla at ang matataas na opisyal ng probinsya at ng bayan ng San Agustin.
Ayon kay Coast Guard Station Commander Sheila Kris Fernandez, ang dalawang palapag na gusali ay magiging crucial hub sa operation ng coast guard sa buong probinsya ng Romblon dahil maraming dumadaang barko sa pantalan ng San Agustin.
Masaya naman si Mayor Denon Madrona sa bagong development sa kanilang bayan. Aniya, pangarap niya na maraming mga opisina ng national agency ang nasa kanilang bayan para mas malapit na maserbisyuhan ang mga residente sa lugar.
Bukas umano ang kanilang bayan sa mga national agency at handa ang lokal na pamahalaan na magbigay ng lupa para sa mga ito. (PJF/PIA Mimaropa-Romblon)