LUNGSOD NG NAGA (PIA) – Nanumpa na ang mga bagong talagang city youth officials (CYO) sa Naga City People’s Hall nitong Lunes matapos ang lingguhang flag-raising ceremony. Pangunanahing programa ito ng lokal na pamahalaan para sa mga kabataan sa bisa ng Sangguniang Panlungsod Ordinance No. 2007-008, na sinimulan pa sa termino ni dating alkalde at SILG Jesse Robredo.
Layuning ng CYO Program na magbigay ng opurtunidad sa mga Nagueñong kabataan na maranasan at matutunan ang first-hand local governance, galing mismo sa mga counterpart city officials at mga department heads ng lokal na pamahalaan.
Mula sa 245 kabataang nais maging city youth leader, umabot sa 48 ang nakapasa sa written exam at sumailalim sa oral examination para sa kasalukuyang taon.
Para sa taong ito, idineklarang city youth mayor si Ellen Nicole Versoza Vergara, 3rd year college student sa Bicol State College of Applied Sciences and Technology (BISCAST) na kumukuha ng kursong BSEd Mathematics.
Kuha mula sa Naga City Government Facenook Page
Bilang isang student leader, likas kay Vergara ang pagiging flexible at ang pagsasaayos ng self-management. Dahilan upang magampanan niya nang maayos ang kanyang obligasyon bilang may pinakamataas na posisyon sa programang ito at bilang isang mag-aaral.
Ibinahagi rin ni Vergara ang ilang sa mga mahalagang natutunan niya sa mga trainings na kanilang dinaluhan mula sa nasabing programa. “Bilang isang youth leader, limited resources should not hinder our actions to push our plans. Kailangang lumikha ng partnerships at sponsorships sa ibang stakeholders upang maipagpatuloy ang mga plano para sa ikauunlad ng proyekto.”
Magtatagal ng 45 days ang kanilang katungkulan sa itinalagang departamento sa lokal na gobyerno ng Naga para sa kanila.
Pinangunahan ni Mayor Nelson Legacion kasama si Vice-Mayor Nene de Asis, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Naga, at SK Federation President, City Councilor Kylie Tripulca ang pagsalubong sa mga bagong city youth officials.
Kuha mula sa Naga City Government Facenook Page
Sa kaniyang talumpati, mensahe ni Legacion na huwag sanang mabahiran ng pulitika ang pagisislbi ng mga CYOs bilang mga kabataang opisyal at nawa’y dalhin nila ang kanilang mga matututunan sa kanilang mga sariling barangay sa hinaharap. Aniya, dapat manatili ang boses at mga pangangailangan ng mga kabataang Nagueño na siyang pangunahing layunin ng kanilang pagganap sa kanilang tungkulin.
Para sa kumpletong talaan ng CYO 2023, magtungo sa link na ito: Congrats, CYO 2023 (PIA5/Camarines Sur)