Bangsamoro Electoral Code, naisabatas na

LUNGSOD NG COTABATO (PIA ) — Naisabatas na ng pamahalaan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), sa pamamagitan ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) ang BTA Bill No. 29 o ang Bangsamoro Electoral Code (BEC) na bubuo ng isang electoral system na bukas, demokratiko, at participative alinsunod sa mandatong nakasaad sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Noong Miyerkules ay inaprubahan ng mga mambabatas ng BTA ang pangatlo at huling pagbasa ng draft ng BEC na kalaunay nilagdaan ni BARMM Chief Minister Ahod Murad Ebrahim upang ganap nang maging batas.

Ang BEC ay bubuo ng Bangsamoro electoral office sa ilalim ng direktang pangangasiwaan ng Commission on Elections.

Magiging daan din ang BEC upang malayang makapili ang mamamayang Bangsamoro ng kanilang mga ihahalal na lider sa kauna-unahang regional parliament elections sa taong 2025.

Samantala, matatandaang noong pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa BARMM ay kanyang hinikayat ang pamahalaan ng BARMM na ipasa ang mga kinakailangang panukalang batas na nakasaad sa BOL, lalo na ang BEC. (With reports from Bangsamoro Government)

In other News
Skip to content