LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) — Nagsagawa ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Mimaropa ng Training of Trainers on Barangay Drug Clearing Program, Advocacy and Drug-Free Workplace Program sa lalawigan ng Palawan.
Ito ay sa pamamagitan ng pagtutuwang ng naturang ahensiya sa Lokal na Pamahalaan ng Palawan sa ilalim ng pamumuno ni Governor Victorino Dennis Socrates.
Layunin ng pagsasanay na mabigyan ng dagdag kaalaman at sapat na kasanayan ang iba’t-ibang miyembro ng komunidad ng lalawigan hinggil sa pinsalang maaaring idulot ng iligal na droga at kung papaano ito maiiwasan.
Nasa 34 na kalahok mula sa iba’t ibang barangay ang dumalo sa naturang pagsasanay.
Isa rin sa layunin ng gawain ay gawing force multipliers ang mga kalahok sa pagsusulong ng anti-illegal drug advocacy campaign sa lalawigan. (JJGS/PIA MIMAROPA – Oriental Mindoro)