Basic Life Support Training para sa traffic enforcers ng Lungsod ng Batangas

LUNGSOD NG BATANGAS(PIA)—Sumailalim sa dalawang araw na Basic Life Support Training kung saan may 30 traffic enforcers ng Transportation Development and Regulatory Office (TDRO) nagsanay sa Sinsayan Lounge ng Batangas City Coliseum noong ika-25 at 26 ng Enero.

Ang mga ito ang  ikalawang batch ng mga traffic enforcers na dumalo sa naturang pagsasanay.

Layunin nito na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kalahok hinggil sa pagresponde at pagbibigay ng pangunahing lunas hindi lamang sa mga emergency situations gayundin kapag may sakuna at kalamidad.

Tinalakay ni Clarissa Sulit, Chief ng Operations Division ng Land Transportation Office (LTO) na nagsilbing resource speaker ang mga rules at regulations gayundin ang mga batas trapiko na ipinatutupad ng kanilang tanggapan.

Ibinahagi naman ng mga kawani ng City Disaster Reduction Risk Management Office (CDRRMO) ang tamang paraan ng pagbibigay ng first aid, wastong pagsasagawa ng cardio pulmonary resuscitation (CPR), ang iba’t ibang uri ng pagbebenda at ang mga alituntuning sinusunod sa pagbibigay ng pangunang lunas.

Ayon kay  Cris Mark Banaag, Supervisor for Operations ng TDRO malaking tulong ang nabanggit na pagsasanay sa kanilang mga enforcers na magsisilbing katuwang ng pamahalaang lungsod sa pagsagip ng buhay. (MDC/PIA Batangas may ulat sa PIO Batangas City)

In other News
Skip to content