BATANGAS CITY (PIA) — Ipagkakaloob ng Batangas City Information and Communications Technology Business Council (BCBC) ang isang libreng pagsasanay sa Contact Center Services.
Ang proyekto ng naturang konseho ay layong makapagbigay ng kasanayan sa mga Batangueño lalo na sa mga bagong nagsipagtapos at mga returning Overseas Filipino Workers (OFWs).
Katuwang ng pamahalaang lungsod ang Technical Education Skills and Development Authority (TESDA), Department of Information and Communication Technology (DICT) Regions IVA at MC Tech Training and Assessment Center Incorportaed sa pagpapatupad ng proyekto.
Sa bawat batch na magsasanay ay mayroong 25 kalahok na sasailalim sa 144 hours na training at 80 hours immersion sa Task Us sa susunod na buwan.
Nagpaabot naman ng suporta si Batangas City Mayor Beverly Dimacuha para sa naturang proyekto.
Hinihikayat naman ni DICT IV-A Regional Director Cherly Ortega ang mga nais lumahok sa pagsasanay na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan.
Tiwala si Ortega na makatutulong ito upang makabuo ng mas maraming trabaho sa lungsod ng Batangas. (BPDC, PIA BATANGAS)