Batangas City, kaisa ng pamahalaan sa kampanya kontra ilegal na droga

BATANGAS CITY (PIA) — Mas pinaigting pa ng pamahalaang lungsod ng Batangas ang kampanya nito kontra droga matapos ang isinagawang BIDA Kontra Drogra Fun Run noong ika-29 ng Agosto 2024.

Ang naturang Fun Run ay proyekto ng City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) na layong maitaas ang kaalaman ng mga mamamayan hinggil sa programang BIDA o Buhay ay Ingatan, Droga’y Ayawan upang mas mapaigitning ang kampanyan kontra iligal na droga.

Bahagi ng malilikom sa fundraising activity ay gagamitin sa proyekto ng KALIPI o Kalipunan ng Lahing Pilipina para sa mga miyembro nito na may kapamilyang Persons Who Used Drugs (PWUDS) at mga programa para sa kabataan kontra iligal na droga.

Mahigit 1,000 indibidwal ang nakibahagi dito na nagmula sa iba’t ibang barangay ng lungsod na lumagda sa isang pledge of commitment  bilang pagsuporta sa kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaang lungsod.

Nagsilbing kinatawan ni Mayor Beverly Dimacuha si CADAC Focal Person Allan Cantre na nagpaabot ng pasasalamat sa lahat ng lumahok at tumulong upang maisakatuparan ang naturang Fun Run.

Sa mensahe ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Batangas Provincial Director Allan Benitez, binigyang diin  nito ang kahalagahan na matulungan ang mga PWUDS at kanilang pamilya upang labanan ang pagkalulong sa ipinagbabawal na droga. (Bhaby De Castro, PIA Batangas)

In other News
Skip to content