Ang R.A. 11930 o Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act ay isang modernong batas na may layong maging solusyon sa isang modernong problema — ang digital child sexual abuse.
Sa pangunguna ng National Coordination Center against Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (NCC-OSAEC-CSAEM), ipinagdiriwang ang “Safer Internet Day” ngayong taon na may temang “OSAEC at CSAEM ating sugpuin, implementasyon ng R.A. 11930 sama-samang patatagin!”