



Alam mo ba? May batas tayo na nagbibigay ng diskwento para sa ating mga kababayang may kapansanan sa ilalim ng RA 10754 o “An Act Expanding the Benefits and Privileges of Persons With Disability.”
Sa pagdiriwang ng International Day of Persons With Disabilities, ipakita natin ang tunay na inklusibidad at pagkakapantay-pantay. Sama-sama tayong magbigay ng suporta sa karapatan ng bawat isa, anuman ang katayuan o sitwasyon natin sa buhay.
Para sa kumpletong listahan ng mga produkto at serbisyong may discount para sa ating PWDs, bisitahin ang ncda.gov.ph.