LEGAZPI CITY (PIA5/Albay) — Pinangunahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Legazpi ang second nationwide fire drill 2023 para sa high density occupancies na establisyemento. Ito ay isinagawa sa SM City Legazpi, Hulyo 31.
Ayon kay Sr. Fire Officer II Norman N. Andes mula sa Chief Community Relations Unit ng BFP Legazpi, ang nabanggit na aktibidad ay bahagi ng kanilang programa na magsagawa ng semestral fire drill nationwide sa mga high density occupancy tulad ng SM.
‘’Ang purpose din nito ay para yung mga employees o occupants ng establishment ay maging prepared sila in case magkaroon ng emergency o ng sunog alam nila ang gagawin,’’ saad ni Andes.
PAGHAHANDA | Nakiisa ang mga empleyado ng SM City Legazpi sa second second nationwide fire drill 2023 na pinangunahan ng Bureau of Fire Protection-Legazpi para sa high density occupancies na establisyemento, nitong Hulyo 31, 2023.
Nagpa abot naman si SM City Legazpi Assistant Mall Manager Kyle S. Espiritu ng kanilang pasasalamat sa BFP.
‘’We are very thankful sa BFP, dahil we are in partnership with them for the longest time kailangan talaga namin ang mga ganitong training para ready din ang mga employees namin, ang mga tao namin sa mall sa mga ganun na situations,’’ saad ni Espiritu.
Mahigit 77 indibidwal ang lumahok kasama ang ilang empleyado, tenants at iba pa mula sa ilang ahensya sa aktibidad, ani Espiritu.
Kabuluhan ng fire drill
Ani Andes, mahalaga na may kaalaman ang lahat na business establishments kung ano ang mga hakbang at preparasyon na dapat gawin sakali man na magkaroon ng sunog.
‘’Kailangan mayroon sila [mga establisyemento] ng fire drill plan dahil hindi natin alam kung kailan mangyayari ang isang sakuna at least sila ay prepared na,’’ saad ni Andes.
Samantala, ibinahagi naman ni Espiritu ang natutunan nila sa isinagawang aktibidad.
‘’Malaking tulong ang fire drill dahil natutunan namin kung paano mag-respond at the same time, kasi second fire drill na namin ito, we were able to improve them based sa una namin na fire drill execution,’’ saad ni Espiritu.
Rekomendasyon naman ni Andes sa publiko lalo na ang mga establisyemento na sumunod sa batas at tumugon sa patakaran n g BFP upang masigurong ligtas ang mga usali pati na rin ang umuukupa dito.
‘’Lagi tayo na mag ingat lalo na sa paggamit natin ng mga appliances, at kuryente,’’ paalala ni Andes sa publiko. (PIA5/Albay)