Ang isang lipunan ay hinuhubog ng iba’t ibang salik. Nariyan ang iba’t ibang institusyon na nagpapatakbo ng lipunan na nakakaapekto sa ating buhay. Isa na nga rito ay ang ating ekonomiya na pinapatakbo ng mga magigiting na manggagawa. Bilang bumubuo sa malaking porsyento ng produksyon at distribusyon, hindi maitatanggi ang halaga ng kanilang kontribusyon.
Kaya ngayong Labor Day, ating bigyang pugay at pasasalamat ang lahat ng manggagawang Pilipino. Sa inyong sakripisyo, determinasyon, at tatag ng loob, isang pagsaludo!