Bilang ng mga nasugatan sa paputok tumaas sa Bicol

LUNGSOD NG LEGAZPI, Albay (PIA)– Nakapagtala ang Department of Health Center for Health and Development sa Bicol region ng 20 na nagtamo ng mga sugat dulot ng mga paputok at mga pailaw simula noong December 21, 2022 hanggang January 4, 2023.

Pito ang mga nasugatan sanhi ng paggamit ng kwitis  samantalang lima ang nasugatan dahil sa lebentador na five star. Apat naman ang nasugatan dahil sa improvised canon na tanyag sa tawag na ‘Boga.”

May tatlong nasugatan ng di pa matukoy na paputok o pailaw samantalang isang tao ang nasugatan dahil sa “fountain.” .

Labindalawa sa mga nasugatan ay naitala  sa lalawigan ng Albay; sinundan ito ng lima sa Camarines Sur; dalawa sa Camarines Norte, at isa sa lungsod ng Naga.

Sa mga nasugatan, pito sa mga ito ang dinala sa Bicol Regional Hospital and Medical Center sa Albay; lima sa Bicol Medical Center sa Camarines Sur; apat sa Jose Belmonte Duran Albay Provincial Hospital; dalawa sa Camarines Norte Provincial Hospital; at tig iisa sa Bicol Region General Hospital and Geriatric  Medical Center (BRGHGMC) sa Camarines Sur at Dr. Lorenzo P. Ziga Memorial District Hospital (DZPZMDH) sa lalawigan ng Albay.

Karamihan sa mga nasugatan ay mga lalaki na may edad na pito hanggang 20 taon.  Anim naman sa mga nasugatan ang may edad na mula 21 hanggang 50. Bukod dito, may dalawang babaeng nasa edad 50 anyos o mahigit pa ang nasugatan dahil sa paputok o pailaw.

Sa tala ng DOH 5, ang 20 na mga nasugatan sa pagsalubong sa 2023 ay mas mataas sa bilang ng mga napinsala noong pagsalubong sa 2021 na umabot lamang sa 14. Sa pinakahuling apat na taon, pinakamarami ang nasugatan noong 2019 na umabot sa bilang na 37. Anim lamang ang naitala noong 2020.

Pinakamarami naman ang nasugatan sa pagsalubong sa 2023 sa bilang na 13; 10 noong 2021; 2 noong 2020 at 19 noong 2019. May tig-iisa lang na naitalang nasugatan sanhi ng paputok o pailaw noong December 24, 2022 sa Bicol region sa bawat taon simula noong 2019 hanggang 2022.

Sa kabuuan ayon sa DOH 5, walang naitalang namatay o nanatili ng matagal sa ospital dahil sa paputok o pailaw hanggang Janaury 4, 2023 at lahat ng naitakbo sa pagamutan ay pinauwi rin matapos lapatan ng kaukulang lunas. (PIA5)


(Photo courtest of DOH CHD Bicol)

In other News
Skip to content