BJMP, nanawagan sa publiko na muling pahalagahan ang kakayahan ng nakalayang PDL

LUCENA CITY (PIA) — Hiniling ni , Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Quezon District sa publiko na muling pahalagahan ang kakayahan ng mga persons deprived of liberty (PDL) na nakalaya na mula piitan.

Sa idinaos na Kapihan sa Piitan  noong Hunyo 14 sa lungsod ng Lucena, sinabi ni Jail Warden Supt. Jack Lord Cariño na ang mga dating PDL ay dapat na muling bigyan ng pagkakataon na makapag-bagong buhay.

“Patuloy ang aming  ginagawang ‘reintegration program’ sa mga dating PDL at pamilya nito na maibalik ang nawalang relasyon nila sa komunidad at matulungan na magkaroon ng panibagong uri ng pamumuhay,” sabi pa ni Cariño.

Sinabi pa din niya na patuloy ang pagsasagawa nila ng ‘community relations service’ sa mga piling barangay sa lalawigan upang maipadama sa mga residente dito ang mga programa ng BJMP.

Ayon pa kay Cariño, patuloy pa din ang pagbibigay nila sa mga PDL na nasa loob ng jail ng pagsasanay tulad ng baking, bag making, gardening at paggawa ng iba pang uri ng handicrafts.

Ang Kapihan sa Piitan ay idinaos kaalinsabay sa pagdiriwang ng BJMP ng kanilang 12th Community Relations Service Month.

Samantala, kasabay ng pagdiriwang ng 12th Community Relations Service Month ay nagdaos din ng exhibit ang BJMP-Quezon sa Pacific Mall, Lucena City noong Hunyo 14.

Sa Kapihan, nanawagan  din si Cariño sa mga Quezonian na tangkilikin ang mga produktong gawa ng mga PDL kagaya ng mga bags, wallet at mga tinapay upang matulungan ang mga PDL sa kanilang mga gawaing pangkabuhayan. (Ruel Orinday-PIA Quezon).

In other News
Skip to content