BJMP sa Romblon, tumulong sa ginang na napaanak sa bahay

SAN FERNANDO, Romblon (PIA) — Hindi nagdalawang isip ang mga officer ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa bayan ng Romblon, Romblon na tumulong sa isang ginang na napaanak sa kanilang pamamahay sa Sitio Wireless Brgy. Bagacay Romblon, Romblon noong February 9.

Ayon sa BJMP Romblon, kumatok umano sa gate nila ang isang residente ng nasabing lugar para humingi ng tulong dahil nanganak umano ang kanilang kapitbahay.

Agad na tumungo sa lugar sina Jail Inspector Emely Mallen kasama ang jail nurse na si JO1 Christina Moral para tulungan ang ginang.

Pagdating nila ay nakita nilang nakakabit pa ang umbilical cord ng bata kaya agad nila itong tinulungan para madala sa Romblon District Hospital para sa mas mabigyan ng atensyong medikal ang baby girl at ang ginang.

“This kind of situation is unpredictable but as a public servant it is also our duty to serve and protect the safety of every persons in our environment. Reaching and helping others is a golden goal for everyone,” ayon BJMP Romblon District Jail. (PJF/PIA Mimaropa)

xt. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.

In other News
Skip to content