Blue Alliance Philippines, nagkaloob ng patrol boat sa Calapan LGU

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) – Isang siyam na talampakan na patrol boat na may makinang Yamaha outboard gas engine at lakas na 75 horse power na nagkakahalaga ng halos P1-M ang ipinagkaloob kamakailan ng grupong Blue Alliance Philippines sa pamahalaang lungsod ng Calapan na siyang magagamit sa pagpa-patrolya sa mga marine protected areas sa mga baybayin ng lungsod na ito.

Isinagawa ang pagpapasa ng naturang sasakyang pandagat sa baybayin ng Brgy. Lazareto na kung saan tinanggap ni City Mayor Marilou Flores-Morillo ang behikulo mula sa nasabing grupo.

Sinabi ni Mayor Morillo na, “Malaking pakinabang ang patrol boat na ito dahil magagamit din ito sa ‘Marine Biodiversity Conservation and Protection Program’ gayundin sa pagpa-patrolya sa mga Marine Protected Area (MPA) at pagtugis sa mga gumagawa ng iligal sa 23 coastal areas at lakeside barangays sa buong lungsod. Kaya naman kami ay nagpapasalamat sa Blue Alliance Philippines dahil ang tulong na ito ay nakapaloob sa kanilang ‘Marine Protected Areas Co-management Agreement.”

Samantala, pangangasiwaan ng gumawa ng patrol boat na BangkaPro ang pangunahing pagsasanay para sa mga Bantay Dagat kung paano ito patatakbuhin sa karagatan na siyang rin mangangalaga at gagamit nito. (DN/PIA-OrMin/Junard Acapulco/CIO)

In other News
Skip to content