Ngayong Bonifacio Day, ating gunitain at ipagdiwang hindi lamang ang alaala ng ating bayaning si Gat Andres Bonifacio, kundi ang diwa ng kanyang dakilang paalala: “Itanim sa iyong puso na ang tunay na kahalagahan ng puri’t kaginhawaan ay ang ikaw ay mamatay dahil sa ikaliligtas ng Inang Bayan.”
Isang paanyaya sa bawat Pilipino na mahalin ang bayan sa pamamagitan ng pakikilahok, paninindigan, at pagkilos para sa kapwa. Nawa’y isabuhay natin ang kabayanihan, katapangan, at pagmamahal ni Bonifacio sa ating Inang Bayan.