Brgy. Panacan 2 sa bayan ng Narra, binigyan ng subsidiya ng Pamahalaang Panlalawigan

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) —  Pinagkalooban ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ng subsidiya na nagkakahalaga ng P1M ang Brgy. Panacan 2 sa bayan ng Narra.

Personal itong ipinagkaloob ni Gob. Victorino Dennis M. Socrates kasama sina Bise Gob. Leoncio N. Ola at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan kamakailan kay Panacan 2 Punong Barangay Reynaldo dela Rosa kasama ang kanyang mga kagawad.

Ang nasabing subsidiya ay bilang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa nabanggit na barangay habang hindi pa ito napaglalaanan ng National Tax Allotment (NaTA) mula sa Pamahalaang Nasyunal simula nang ito ay maging isang ganap na barangay noong taong 2006.

Layon ng pagkakaloob ng taunang subsidiya na magkaroon ng karagdagang pondo na maaaring magamit para sa iba’t-ibang mga programa sa barangay na kapaki-pakinabang sa mga mamamayan nito.

Ang Panacan 2 na nahiwalay na barangay mula sa original na Bgy. Panacan sa bisa ng Sangguniang Bayan of Narra Resolution No. 875 series of 2005 at Sangguniang Panlalawigan Provincial Ordinance No. 935 series of 2006 ay pinagtibay ng Republic Act No. 11919 series of 2022 noong June 30, 2022. (OCJ/PIA-MIMAROPA)

Larawan sa itaas ay mula sa PIO-Palawan

In other News
Skip to content