Bulacan, pinaigiting ang kampanya kontra ASF

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) — Naglabas ng kautusan ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan upang pigilan ang pagpasok ng buhay na baboy at karne mula sa mga lugar na may kaso ng African Swine Fever o ASF.

Batay sa Executive Order No. 13, series of 2020, ipatutupad ng lalawigan ang lubusang pagbabawal sa buhay, katay, luto, at iprinosesong karne ng baboy na magmumula sa mga lugar na apektado ng ASF na idineklara ng National Task Force for Prevention of ASF at ibang pang ahensya ng pamahalaan.

Ayon sa Provincial Veterinary Office o PVO, kailangan munang kumuha ng letter of acceptance mula sa PVO ang magbibiyahe mula sa pink at green zones o iyong mga mula sa buffer, protected, at free zones na may kasamang negatibong resulta ng ASF test na hindi tatagal ng higit sa dalawang linggo mula sa oras ng pagbiyahe bago payagang makapasok sa Bulacan.

Mahigpit din umano ang kanilang surveillance sa mga backyard raiser mula sa iba’t ibang lungsod at bayan; habang nagsasagawa ng test ang mga commercial farms at isinusumite ang resulta nito sa PVO.

Nagsagawa rin ang tanggapan ng Biosecurity Seminar para sa mga magsasaka mula sa lahat ng bayan at namahagi ng disinfectants upang pagbutihin ang biosecurity ng backyard farmers upang tulungan sila na umiwas sa ASF.

Samantala nanantili pa ring ASF free ang lalawigan simula ng pagasok ng 2023. (CLJD/VFC-PIA 3)

In other News
Skip to content