(Mga kuha mula sa Pasay PIO)
LUNGSOD QUEZON (PIA) — Nilagyan ng “marker” o pananda at kinilala kamakailan bilang “Heritage Tree” ang isang 100-taong gulang na puno ng Botong na matatagpuan sa Barangay 13 ng Lungsod Pasay.
Pinangunahan ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, Pasay Culture and Arts Council Teresita Robles, at Department of Environment and Natural Resources-National Capital Region (DENR-NCR) ang unveiling ceremony na sinundan ng paglagda ng memorandum of agreement na pangangalagaan at iingatan ang nasabing puno.
Siniguro rin ni Mayor Emi na pangangalagaan ng pamahalaang lungsod ang naturang heritage site, tungo sa isang internationally competitive eco city.
Layon ng programang Heritage Tree ng DENR-NCR na hikayatin ang mga mamamayan ng Metro Manila na mapanatili at mapangalagaan ang mga natitirang matatanda at naglalakihang puno sa rehiyon, lalo na ang mga indigenous at endemic na may malaking bahagi sa kasaysayan ng lugar. (Pasay City/PIA-NCR)