Child leaders ng Malungon, Sarangani lumahok sa Municipal Children’s Congress 2023

MALUNGON, Sarangani (PIA) — Lumahok ang 40 na batang lider mula sa 31 barangay ng Malungon sa inorganisang Municipal Children’s Congress 2023 ng lokal na pamahalaan, sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) nito.

Isinagawa ang pagtitipon noong Disyembre 19 sa Farmer’s Hall ng Malungon municipal compound.

 

Photo courtesy of Malungon Information Office

 

Sa nasabing kaganapan, tinuruan ng MSWDO sa pangunguna ni Ruth A. Arangote ang mga child leader ng mga kakayahan upang gampanan ang kanilang mga tungkulin bilang mga batang kinatawan o child representative ng Local Council for the Protection of Children (LCPC).

 

Photo courtesy of Malungon Information Office

 

Nadagdagan din ang kaalaman at pag-unawa ng mga bata tungkol sa paksang child participation, gayundin ang kanilang pakikipagkaibigan sa mga kapwa nila child representatives.

Inihalal din ng mga child leaders si Justin Lloyd A. Geonzon mula sa Holy Infant School of Malungon bilang kanilang Municipal Child Representative na siyang kakatawan sa kanila sa Philippine Council for the Protection of Children (PCPC).

 

Photo courtesy of Malungon Information Office

 

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Mayor Maria Theresa D. Constantino ang mga bata na abutin ang kanilang mga pangarap habang nananatiling mapagkumbaba.

Ako nagahatag og empowerment sa inyuha so naa moy opportunity to speak sa amua, naa moy opportunity to showcase your talents but kini nga mga talents panalangin ni Lord, dili ni angay ika-panghambog. Unta magpadayon kamo nga humble. Achieve greater things in life. Ate Tessa will be there to back you up basta kita tanan diri sa Malungon magrespetohanay lang kita,” ani Constantino.

(Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan upang magkaroon kayo ng pagkakataon na magsalita sa amin, mayroon din kayong pagkakataon na ipakita ang inyong mga talento ngunit ang mga talentong ito ay biyaya ng Panginoon, hindi ito dapat ipagyabang. Sana ay magpatuloy kayo sa pagiging mapagkumbaba. Abutin ang mas mataas na mga bagay sa buhay. Si Ate Tessa ay laging nariyan para suportahan kayo basta’t magrespetuhan lang tayo dito sa Malungon),” ani Constantino. (HJPF – PIA SarGen/With reports from Malungon Information Office)

 

Photo courtesy of Malungon Information Office

In other News
Skip to content