Coast Guard nakasubaybay sa barkong sumadsad sa dagat ng Sorsogon

LUNGSOD NG SORSOGON, Sorsogon (PIA)–Nagpapatuloy ang isinasagawang monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) sa cargo vessel na sumadsad sa dagat na sakop ng Barcelona, Sorsogon.

Katuwang ng PCG ang Mdrrmo, LGU Barcelona at pamahalaang panlalawigan ng Sorsogon sa pagtiyak na hindi ito magdudulot ng problema sa marine environment tulad ng posibleng oil spill sa dagat.

Naisagawa na ang underwater hull inspection ng mga tauhan ng Coast Guard Sorsogon kasama ang Coast Guard Special Operation Unit Bicol, Coast Guard Marine Environmental Protection Sorsogon at mga tauhan ng MDRRMO Barcelona noong Enero 22, 2023.

Ayon kay Christian F. Jazmin,  commander ng PCG station sa Sorsogon, nang nakaraang Enero 21 ang LCT Regent 101 ay nakaranas ng malakas na hangin dahil sa gale warning sa Eastern Seaboard ng probinsya ng Sorsogon.  Aksidenteng nalaglag ang rampa kaya nawalan ng kontrol ang barko at sumadsad sa dagat malapit sa Barangay Luneta, Barcelona, Sorsogon.

Ani Jazmin, ang barko ay galing sa Lazi, Siquijor noong Enero 19 at papunta sa Lidong, Albay upang magkarga ng agregates tulad ng buhangin.

Ang 18 crew kabilang ang skipper ng vessel ng barko ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng LGU Barcelona.

Dagdag pa ni Jazmin na kanila ding hinihintay ang aksyon ng Southern Regent Shipping Inc. na nagmamay-ari ng barko na magsagawa at i-deploy ang kanilang kakilalang registered salvour.

Samantala, hiling niya sa mga residente na malapit sa lugar lalo na sa mga mangingisda na iwasan na munang lumapit sa may barko upang hindi makaistorbo. (PIA5/Sorsogon)

Patuloy na pagmonitor ng Coast Guard, LGU Barcelona at MDRRMO sa cargo vessel na sumadsad sa karagatan ng Barcelona, Sorsogon Photo Via Coast Guard Bicol

Photo via Coast Guard Sorsogon

In other News
Skip to content