LUNGSOD QUEZON, (PIA) — Bilang pakikibahagi sa selebrasyon ng World-Car Free Day at World Environmental Day, magsasagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig ng community bike ride activity.
Tatawaging ‘Kalyesugan’ gagawin ito kasama ang mga partner organizations sa Emerald Avenue, Ortigas sa Setyembre 23, 2023 (Sabado), 5:00 ng umaga.
Sa mga nais makilahok, magparehistro lamang sa:
- CTDMO Room, 4th Floor, Pasig City Hall, Monday-Friday, mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM
- Decathlon-Pasig, Tiendesitas
Magkakaroon din ng libreng bike lessons sa araw na ito. (Pasig City/PIA-NCR)