Congestion sa Matnog Port may solusyon na

LUNGSOD NG SORSOGON, Sorsogon (PIA)–Mabibigyan na ng solusyon ang congestion sa Matnog Port matapos makipagpulong sina Gov. Edwin Boboy Hamor at 2nd District Congressman Wowo Fortes kay Budget Secretary Amenah Pangandaman.

Ayon kay Hamor kinakailangan lamang na palawakin ang Matnog Port upang ma solusyonan ang paulit-ulit na problema ng congestion.

Inilahad naman ni Bobby Gigantone ng Sorsogon Provincial Tourism Culture and Arts Office (SPTCAO) head na ang port congestion ay nagbibigay ng masamang imahe sa Sorsogon.

Aabot sa mahigit 10 ektaryang ang sukat ng lugar ang iminumungkahing reclamation na katabi ng daungan kung saan kayang mailagay ang higit 2,000 sasakyan upang maiwasan na ang congestion sa naturang pantalan na nakakasagabal rin sa kahabaan ng kalsada ng Matnog at katabi pa nitong mga bayan lalo na tuwing peak season at kapag may masamang panahon.

Kaugnay nito suportado naman ng Philippine Ports Authority (PPA) Matnog ang proyektong iminungkahi ng pamahalaang lalawigan at sang-ayon naman ang Department of Budget and Management .

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman madaliin na aniya ang pagsasa-ayos ng Memurandum  of Agreement (MOA) sa pagitan ng Department of  Transportation (DOTR) at ng Philippine Ports Authority (PPA) para magamit na ang humigit kumulang na 500 milyong piso na pondo para mapalawak ang Matnog port. (PIA-5/Sorsogon)

Photo via Sorsogon Provincial Information Office fb page

In other News
Skip to content