CPD-CAR, tinututukan ang info campaign para sa mga younger adults

The CPD-CAR conducts SHAPE-A training of trainers among DepEd-CAR school nurses and guidance counselors of Abra and Apayao recently (Photo by CPD-CAR)

BAGUIO CITY (PIA) — Isa sa mga tinututukan ng Commission on Population and Development-Cordillera (CPD-CAR) ngayon ang information education campaign sa mga younger adults o mga edad 10-14 upang hindi sila maagang magbuntis.

Bagama’t bumaba ang teenage pregnancy sa mga older adolescents o mga edad 15-19, tumaas naman ang kaso sa mga edad 10-14 sa Cordillera.

Batay sa datos ng Department of Health Field Health Services Information System, tumaas sa 38 ang kaso ng mga nabuntis na edad 10-14 noong 2022 mula sa 17 noong 2023.

Ipinaliwanag ni CPD-CAR assistant regional director Job Manalang na  kahit na natutukan nila ang 15-19 age group na nagresulta sa pagbaba ng kaso ng teenage pregnancy sa rehiyon, tumaas naman ang kaso sa 10-14 age group. 

“We are trying to look into the problem, may mga researches and analysis ng data na ginagawa tayo hoping na maka-adjust ‘yung ating information campaign para sa mas even younger na mga nanay natin,” ani Manalang.

Aniya, kailangang habulin nila ang reproductive health information para sa mga batang kababaihan at kalalakihan.

Kinilala naman nito ang malaking papel ng Department of Education (DepEd) para sa pagbibigay ng tamang impormasyon at edukasyon sa mga kabataan.

 Sa mga nakaraang taon ay nakapagsanay ang CPD ng mga guro at service providers ng DepEd ukol sa sexually healthy and personally empowered adolescents’ (SHAPE A) module.

 “Sa tulong ng SHAPE A module, ‘yung mga teachers, guidance counselors, at nurses na na-train namin, mayroon na silang pundasyon kung paano i-discuss ang sexual and reproductive health, ano ‘yung mga tamang values related to proper decision-making, life skills and all of this, para ma-integrate din nila ‘yun sa ating current curriculum,” si Manalang.

Sinabi ni Manalang na bagama’t nasa batas na ang comprehensive sexuality education, hindi pa ito ganap na naka-rollout sa K12 curriculum.

 Sa pamamagitan aniya ng SHAPE A module ay may magagamit na gabay ang mga paaralan para sa tuloy-tuloy na impormasyon at edukasyon ukol sa sexual and reproductive health behaviors. (DEG-PIA CAR)

Birth rate among 10-14 years old female in Cordillera from 2017-2022 (Photo by CPD-CAR)
Birth rate among 10-14 years old female in Cordillera from 2017-2022 (Photo by CPD-CAR)
In other News
Skip to content