DA at BARMM, mas palalawakin ang produksyon ng isda sa bansa

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) — Nagpulong kamakailan ang mga opisyal mula sa Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) at Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR-BARMM) upang pag usapan ang mga hakbang sa pagpapalawak ng produksyon ng isda sa buong bansa.

Ito ay alinsunod sa direktiba ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas palawakin pa ang produksyon ng pangisdaan ng sampung porsyento.

Sinabi ni BFAR National Director Atty. Demosthenes Escoto, ang naturang pagpupulong ay layong tugunan ang mga malalaking usapan patungkol sa pangisdaan na nangangailangan aniya ng sama-samang pagsisikap ng lahat ng rehiyon, kabilang na ang BARMM.

Nagtapos ang pagpupulong sa isang kasunduan at mga dagdag pang mga hakbang upang mas mapalakas pa ang pagtutulungan ng DA-BFAR at MAFAR-BARMM para sa kapakanan ng mga magsasaka at mangingisda sa buong bansa.

Samantala, matatandaang, base sa ulat ng Philippine Statistics Authority, nananatili pa rin bilang top producer ng isda sa buong bansa ang BARMM mula taong 2021 hanggang 2022. (With reports from Bangsamoro Government).

In other News
Skip to content