DA magtatayo ng State-of-the-Art Rice Processing System sa San Vicente

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) — Magpapatayo ng isang State-of-the-Art Rice Processing System (RPS) II sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program ng Department of Agriculture – Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (DA-PhilMech) sa CBDC Site ng Bgy. Kemdeng, San Vicente, Palawan.

Isinagawa ang Memorandum of Agreement (MOA) Signing at Groundbreaking Ceremony nito kamakailan na pinangunahan naman nina Director for Operations Joel Dator ng DA-PHilMech at San Vicente Mayor Amy Roa Alvarez.

Ang inilaang pondo ng DA-PhilMech para sa pagtatatag ng RPS II sa San Vicente ay nagkakahalaga ng 70 milyon sa ilalim ng RCEF, kabilang ditto ang mga postharvest machinery kagaya ng isang yunit na Multi-Stage Rice Mill (may kapasidad na 2-3 tonelada bawat oras) at apat na yunit na Recirculating Mechanical Dryer (may kapasidad na 6 na tonelada bawat batch).

Samantala, ang naging bahagi naman ng LGU ay nagkakahalaga ng P24 milyon kabilang na ang lugar na pagtatayuan ng proyekto at ang warehouse na paglalagyan ng nasabing mga equipment.

Ang RCEF Program ay nagde-develop ng mga teknolohiya sa mekanisasyon para sa produksyon at mga post-production operation ng palay mula sa paghahanda ng lupa, pagtatanim, pag-aani at pagsasala ng palay, pagpapatuyo hanggang sa paggiling. Ang mga rice husk naman o balat ng palay ay maaring gamitin sa pagpapaunlad ng mga renewable biomass energy systems.

Ang nasabing aktibidad ay sinaksihan din nina Field Operations Division (FOD) Acting Chief Engr. Mayville Castro,  Engr. Niño Bengosta na Cluster Head ng Luzon Cluster (FOD), Engr. Jhon Mark Licot na Asst. Cluster Head ng Luzon Cluster (FOD), DA  Provincial Focal PersonPeter Joshua Barsanas, at mga lokal na opisyales ng Pamahalaang Bayan ng San Vicente. (OCJ/PIA MIMAROPA)

In other News
Skip to content