DARE Program suportado ng LGU Gensan

GENERAL SANTOS CITY (PIA) — Nagpahayag kamakailan ng suporta si Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao sa implementasyon ng Drug Abuse Resistance Education (DARE) Program sa lungsod ng Heneral Santos.

Sa ginanap na pagpupulong noong Enero 12, tinalakay ni Mayor Pacquiao at ng mga opisyales ng DARE Philippines, kasama ang Gensan Chapter President nitong si Rev. Efren C. Reyes at PRO XII chief of staff na si PCol. Arnold Santiago, ang mahahalagang bagay tungkol sa naturang programa.

Ayon sa naturang mga opisyales, layon ng programa na makapagturo sa mga kabataan ng mga kaalaman upang makaiwas sa masasamang gawain o bisyo gaya ng pagsali sa mararahas na grupo o gang at paggamit ng ilegal na droga.

Samatala, binigyang diin ni Mayor Pacquiao na gagawin ng LGU Gensan ang nararapat na mga hakbang upang maisakatuparan ang magandang layunin ng DARE program sa lungsod. (Harlem Jude Ferolino, PIA-SarGen)

In other News
Skip to content