Death March Marker

Isa ang Bataan Death March sa pinakamatinding pangyayari noong panahon ng digmaan kung saan mahigit kumulang 75,000 sundalong Pilipino at Amerikano ang naglakad mula Bataan patungong Capas, Tarlac.

Libo-libo ang dumanas ng uhaw, init, gutom, at pagmamaltrato sa naturang martsa ng kamatayan.

Ngayong Philippine Veterans Week, ating bigyang pugay ang ating mga beterano na nagpamalas ng tapang at sakripisyo para sa bayan.

In other News
Skip to content