LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) — Lumagda kamakailan sina Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Sec. Jose Rizalino Acuzar at Puerto Galera Mayor Rocky Ilagan sa isang Memorandum of Understanding (MOU) para pormal na magkatuwang sa proyektong pabahay sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Program (4PH).
Nakasaad sa kasunduan, 800 pamilya ang mabebenepisyuhan sa nasabing programang pabahay na kabilang sa proposed housing project ng pamahalaang lokal ng Puerto Galera sa Barangay Balatero na malapit sa Balatero Port, barangay hall at paaralang elementarya.
Buo naman ang suporta ng kalihim at ng kagawaran hanggang sa maisakatuparan ng magkabilang panig ang naturang programa. (DHSUD/DN/PIA MIMAROPA)