DOT Mimaropa, nagsagawa ng Culinary Arts Training sa Naujan

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) — Sa inisyatibo ng Department of Tourism (DOT) Mimaropa, isinagawa ang apat na araw na Culinary Arts Training para sa 110 indibidwal na naapektuhan ng oil spill sa Brgy. Montemayor, Naujan katuwang ang Municipal Tourism Office.

Ang naturang aktibidad ay isinagawa noong Hunyo 14 hanggang Hunyo 17 para sa mga kasapi ng Montemayor Adventure Traveler Operator’s Association kasama ang ilang samahan ng mga mangingisda na apektado rin ng nasabing kalamidad at ang pagsasanay ay isinagawa ng mga resource persons na sina Chef Jose Ramlo P. Villaluna at Mark Aaron Abunawan mula sa Ateneo De Manila University.

Samantala, ipinaabot ni Mayor Henry Joel Teves ang pasasalamat sa DOT Mimaropa sa magandang programa na ito upang makatulong sa iba pang Naujeño na muling bumabangon dahil sa idinulot na sitwasyon ng paglubog ng M/T Princess Empress noong Marso 1. (DN/PIA-Mimaropa/OrMin/Naujan-PIO)

In other News
Skip to content