DSWD BICOL, AGAD NA NAGHATID NG 2,000 FAMILY FOOD PACKS SA MGA APEKTADONG PAMILYA SA JUBAN AT IROSIN

Patuloy ang mabilis na pagtugon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V – Bicol Region sa mga nasalanta ng pagsabog ng Bulkang Bulusan, matapos makapamahagi ng 2,000 family food packs (FFPs) sa mga apektadong pamilya sa Juban at Irosin, Sorsogon, kamakailan.

Bahagi ito ng adbokasiya ng ahensya na matiyak ang agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng sakuna. Ang bawat food pack ay may lamang pangunahing pagkain na sapat para sa ilang araw.

Kaagapay ang mga lokal na pamahalaan, patuloy ang distribusyon ng karagdagang 18,000 FFPs sa iba pang apektadong bayan sa rehiyon. Nagsasagawa rin ng 24/7 operations ang logistics at quick response teams upang matiyak ang tuluy-tuloy at patas na pamamahagi ng tulong.

Ayon kay RD Laurio, ipinapakita ng operasyon ang dedikasyon ng DSWD na maghatid ng mabilis, mahabagin, at epektibong serbisyo sa bawat Bicolano, alinsunod sa direktiba ni Secretary Gatchalian.

In other News
Skip to content