Patuloy ang pagtugon ng pamahalaan sa problema ng pagkagutom sa bansa sa pamamagitan ng mga programa ng Department of Social Welfare and Development – DSWD, ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro. Kabilang dito ang Walang Gutom Kitchen, na nagbibigay ng libreng hot meals, Kusinero Cook-Off Challenge, at ang ₱3,000 monthly food aid via Electronic Benefit Transfer. Pinalalawak ang mga programang ito upang matiyak na walang Pilipinong magugutom.
DSWD programs to address hunger
By PCO
