DTI Mimaropa, patuloy ang inspeksyon at profiling sa Oriental Mindoro

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) — Bilang bahagi ng isinasagawang Regional Coconut Farmers Industry Development Program (CFIDP) Monitoring and Assessment ng DTI Mimaropa sa lalawigan, nagsagawa ng serye ng mga inspeksyon sa mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa mga bayan ng Bansud at Socorro noong Hulyo 18.

Kabilang sa mga benepisyaryong ininspeksyon ng ahensiya ay ang Mindoro Dairy Cooperative sa Brgy. Salcedo, Bansud at Malugay Coconut Farmers Agriculture Cooperative (MALFACO) sa Brgy. Malugay, Socorro.

Samantala, patuloy ang isinasagawang profiling ng CFIDP sa mga Coconut Farmers na rehistrado sa ilalim ng National Coconut Farmers Registry System sa mga barangay ng Brgy. Calingag, Brgy. Banilad, at Brgy. Guinhawa sa bayan ng Pinamalayan. (JJGS/PIA Mimaropa-OrMin)

In other News
Skip to content