Election gun ban, sinimulan na sa Cavite

IMUS, Cavite (PIA) — Ipinapatupad na ang total gun ban sa lalawigan ng Cavite bilang paghahanda sa 2025 National and Local Elections ngayong darating na Mayo.

Pinangunahan ni Cavite Provincial Director Police Col. Dwight E Alegre at Commission on Elections (COMELEC) Cavite Provincial Election Supervisor Atty. Mitchell Castro ang isinagawang paglulunsad ng mga election checkpoint sa Lancaster Brgy Alapan 2 – A Imus, Cavite.

Inisa-isa ni Col Alegre ang mga motorista at ipinaalam ang pagsisimula ng malawang checkpoint sa buong lalawigan.

Pinaliwanag din niya na hindi na maaring magdala ng kahit anumang baril may lisensya man o wala bilang pagsunod at pagpapanatili ng tahimik at maayos na halalan.

Kasama sa malawakang checkpoint and mga grupo ng Cavite PNP, Philippine Army, PNP Highway Patrol Group, Cavite SWAT Team, Bureau of Fire and Protection, Philippine Coast Guard, City Disaster Risk Reduction and Management at K-9 Group.

“Sisigurdahin nating maging tahimik, payapa at malinis ang darating na eleksyon. Makiisa po tayo at sumunod sa mga batas. Huwag na po tayong magdala ng mga ipinagbabawal lalong lalo na ng mga baril, may lisensya man o wala nang sa gayon ay maiwasan po natin ang mga problemang magiging batik na sa ating buhay,” saad pa ni Col Alegre.

Nakapaloob sa Section 32 at 33 ng Republic Act 7166 na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng anumang klase ng baril at mga nakamamatay na armas , maliban kung may nakasulat na pahintulot mula sa COMELEC.

Nakaalerto ang buong lalawigan simula ngayong Enero 12 hanggang matapos ang election period sa Hunyo 12. (RF/PIA-Cavite, may ulat ni Cristina Go Timbang/CPC)

In other News
Skip to content