Photos courtesy of Pasig PIO
LUNGSOD PASIG, (PIA) — Bago pa man tuluyang maramdaman ang epekto ng bagyong Pepito sa Metro Manila, ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig ay nag-preposition na mga evacuation sites sa mga barangay sa lungsod.
Ayon sa pamahalaang lungsod, may 11 barangays na ang nakapag-set up ng kani-kaninalang evacuation centers:
- Santolan: Ilaya Covered Court
- San Miguel: San Miguel Covered Court
- Palatiw: Barangay Hall
- Dela Paz: Karangalan Covered Court
- Kapasigan: Child Development Center
- Sumilang: Barangay Hall
- Malinao: Malinao Covered Court
- Manggahan: Manggahan Multipurpose Court
- Kapitolyo: Barangay Hall
- Pinagbuhatan – Nagpayong Covered Court
- Caniogan: Kalinangan Covered Court
- Rosario: Rosario Elementary School
Bukod sa evacuation centers, nakapag-preposition na rin ng relief goods sa ilang barangay (food packs at sleeping kits).

Gayundin, naibaba/rolyo na rin ang billboards/signages sa ilang locations sa lungsod upang maiwasan ang pagkatanggal ng mga ito na dahil sa malakas na hangin na maaring magdulot ng aksidente.
Paalala rin ng pamahalaang lungsod sa mga residente na patuloy na mag-monitor ng lagay ng panahon at maging listo.
Samantala, nakahanda na rin ang Pamahalaang Bayan ng Pateros para sa paparating na bagyo.
Ang mga designated evacuation areas sa Pateros ay matatagpuan sa:
- Capt Hipolito Francisco Elementary School Main
- Pateros Elementary School
- Pateros National High School
- San Pedro Covered Court
- Simplicio Manalo High School Aguho
- AMC Covered Court San Roque
- Aguho Covered Court
- Sto. Rosario Elementary School
- TESDA Building Sto Rosario-Silangan
- P. Manalo Elementary School San Roque

(File photo courtesy of Pateros)
Paalala rin ng pamahalaang bayan sa mga residente na maghanda at mag-ingat.
Gayundin, magbubukas sa araw ng Linggo (Nob. 17) ang mga health centers sa upang tumugon sa posibleng mangailangan ng atensyong medikal.
Para sa anumang emergency, maaaring tumawag sa Pateros DRRMO Rescue sa 0949 8115332 o sa 0995 0211699 o sa landline (02) 8642 5159, o umantabay sa Pateros Facebook page https://www.facebook.com/isangPateros. (JEG/PIA-NCR)