Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

State College sa OccMin, wagi sa Provincial Skills Competition ng TESDA

State College sa OccMdo, wagi sa Provincial Skills Competition ng TESDA

Panalo si Waren Santos ng Occidental Mindoro State College (OMSC) sa nakaraang Provincial Skills Competition (PSC) ng Technical Education Skills Development Authority (TESDA) - Occidental Mindoro. (S. De la Rosa)

Panalo si Waren Santos ng Occidental Mindoro State College (OMSC) sa nakaraang Provincial Skills Competition (PSC) ng Technical Education Skills Development Authority (TESDA) - Occidental Mindoro.

Ang kumpetisyon ay paligsahan ng bakery skills kung saan pinagawa ng French bread ang mga lumahok na kinabibilangan din ng Capt. Lawrence Cooper Technical College, Inc. at Caregiver International Network, Inc, nagkamit ng ikalawa at ikatlong pwesto.

Kwento ni Santos, Grade 8 siya sa Magsaysay National High School nang ma-exposed sa baking bilang kanilang practicum. Unang sabak niya sa kaparehong kumpetisyon ay noong siya’y Grade 11 sa isang VocTech contest sa bayan ng Mamburao. Ang mga karanasan niyang ito sa kanilang paaralan ang nagsilbing daan upang magustuhan ni Santos ang baking at pagluluto.

Si Santos ay nasa ikalawang taon ngayon sa kursong Bachelor in Hotel and Restaurant Management (HRM) at bagama’t marami silang marunong mag-bake sa kanilang klase, natutuwa siya at nagpapasalamat sa tiwalang ibinigay sa kanya ng OMSC upang katawanin ang paaralan sa nasabing paligsahan.

Ayon kay Santos, bukod sa kanyang panalo, nagbibigay sa kanya ng karagdagang inspirasyon ang reaksyon ng kanyang mga magulang dahil sa kanyang nakamit.

“Proud na proud po sila sa akin at nakita ko ring masaya ang aking mga kaklase at kaibigan,” ani Santos. Payo nito sa iba pang sasali sa paligsahan, dapat pahalagahan at higit pang linangin ang kakayahan at talento. Aniya, isantabi ang iba pang isipin kapag nasa paligsahan na at ituon ang atensyon kung paano pagagandahin ang ginagawa. 

Bilang premyo, nagkamit si Santos ng cash, medal at certificate. Puspusan niyang pinaghahandaan ang nalalapit na Regional Skills Competition sa Nobyembre. (PIA MIMAROPA)

About the Author

Voltaire Dequina

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch