Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Hand-made handicrafts display, tampok sa 27th NCCW week ng IPPF

Hand-made handicrafts display, tampok sa 27th NCCW week ng IPPF

Ang carved birds with stand ay isa lang sa mga hand-mand handicrafts ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na tampok ngayon sa 27th National Correctional Consciousness (NCCW) Week ng Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa City. (Larawan mula sa IPPF PIO)

Bago magkaroon ng Covid-19 pandemic kung saan masigla pa ang turismo ng Puerto Princesa City, hindi makukumpleto ang inyong city tour kung hindi ka papasyal sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Barangay Iwahig, Puerto Princesa City.

Maliban sa bansag na kulungang walang rehas, sikat rin kasi ang IPPF sa mga handicrafts na mano-manong hinulma ng mga kamay  ng mga nakakulong rito na ngayo’y tinatawag na mga Persons Deprived of Liberty o PDL.

Sa kanilang pagdiriwang ng 27th National Correctional Consciousness (NCCW) Week ngayong huling linggo ng Oktubre, itinampok ng IPPF ang  kanilang mga gawang hand-made handicrafts.

Makikita sa kanilang Work and Livelihood Center mula  Oktubre 25-31, 2021 ang kanilang magaganda at nakakamanghang gawa tulad ng plant vase, picnic box, laundry box, at fruit tray na pawing gawa sa  rattan. Mayroon ring  carved birds with stand, at bamboo sala set.

Ayon kay C/INS Teddy Martin, Work and Livelihood In charge ng IPPF, dahil sa kakaibang pagkaka-obra sa mga ito, naibibigyang-diin nito ang ating mayamng kultura at likas-yaman. Sa katunayan, kaya aniya nitong makipagsabayan sa local and international standards.

Sinabi naman ni Acting IPPF Superintendent C/SUPT. Joel R. Calvelo, nakikipag-ugnayan na siya sa mga ahensiya ng pamahalaan para sa karagdagang mga pagsasanay at tulong para mas mapaunlad pa ang mga produkto ng kolonya.

Paghahanda na rin aniya  ito sa muling pagbubukas ng turismo ng Puerto Princesa. (MCE,PIA-MIMAROPA)

About the Author

Michael Escote

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch