Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

OSY at Young parents, isinailalim sa Kakanin Making Training

OSY at Young parents, isinailalim sa Kakanin Making Training

Sa susunod na buwan pa ang Pasko pero ngayon pa lang maraming pagkaing pampasko na ang mabibili at matitikman tulad ng mga kakanin.

Kaya naman ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Santa Monica sa Puerto Princesa City, ang paggawa ng kakanin ang kanilang itinuro sa mga kabataang walang trabaho ngayon tulad ng mga out of school youth at mga young parents.

Ayon kay Sangguniang Kabataan Chairman Jayson Sayang, kasama sa program ng SK Santa Monica  ang livelihood program para sa mga kabataan at ngayong taon ang Kakanin Making ang kanilang ginawa dahil malapit na ang pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Aniya, nasa 30 mga kabataan aniya ang tinuruan ng mga paraan ng paggawa ng mga kakanin tulad ng puto, puto pao,  espasol at maja banca gawa sa bigas sa tulong ng grupo ng mga kababaihan sa barangay na nagsilbing tagapagturo. Maliban sa mga kabataan mayroon rin aniyang ilang daycare worker at Nanay ang nakisali sa pagsasanay.

Sa panayam ng PIA Palawan, sinabi niya na sa halagang P500 na puhunan maaari nang makapagsimula ng maliit na negosyo at malaki ang maitutulong nito sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay lalo na ngayong mayroong Covid-19 pandemic.

Handa rin aniya silang magpahiram ng mga kagamitan sa mga kabataang nais magsimula ng negosyo ng kakanin.

Isinailalim sa Kakanin Making Training ang mga kabataan sa Barangay Santa Monica, Puerto Princesa City sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan na pinamumunuan ni SK Chairman Jayson Sayang.(larawan mula sa Barangay Santa Monica-Sangguniang Kabataan)

“Nagsurvey kami kung ano ang trabaho ng mga kabataan lalo na yung mga out of- school-youth, yun iba talaga walang trabaho, then, syempre hindi rin namin kayang magbigay ng trabaho kaya ang maitutulong lang namin ay livelihood training, isa ito sa nakita namin na madaling pagkakitaan” pahayag pa ni SK Sayang

Umaasa naman si SK Chairman Sayang na hindi masasayang ang mga natutunan ng mga kabataan at kahit lumipas man ang pasko, tuloy pa rin ang kanilang Kakanin Making Business.(MCE/PIA-MIMAROPA,PALAWAN)

About the Author

Michael Escote

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch