Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Patubig para sa cotton farmers sa Ilocos Norte, natupad na

Sa wakas, natupad din ang hiling ng mga nagtatanim ng bulak sa bayan ng Pinili, Ilocos Norte na magkaroon ng magandang irigasyon para sa kanilang taniman.


Ito ay naisakatuparan sa bisa ng Presidential Directive No. 2020-0034 para sa Solar-Powered Irrigation System na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at naisakatuparan sa tulong ng National Irrigation Administration (NIA).


Naitayo ang naturang irrigation system sa Barangay Garnaden sa bayan ng Nueva Era, Ilocos Norte.


Dahil dito, mapapausbong lalo ang industriya ng bulak sa Pinili kung saan sikat ang lugar sa paghahabi ng “abel” na ginagawang kumot, punda ng unan, tuwalya, table runners, at iba pa.


Ang solar power system na ito ay makatutulong sa mga dalawampung cotton farmers sa Pinili at maaari din mabenepisyuhan ang mga nagtatanim sa Nueva Era.

PATUBIG PARA SA MGA COTTON FARMER. Nakumpleto na at naisakatuparan na ang irrigation development para sa mga cotton farmer sa bayan ng Pinili, Ilocos Norte sa tulong ng National Irrigation Administration (NIA). (PIA/MJTAB)

Matataandaan na personal na bumisita ang common-law wife ni Pangulong Duterte si Cielito “Honeylet” Avanceña sa probinsiya noong 2019 at tumungo sa Pinili kung saan nakausap niya si Magdalena Gamayo, ang ipinagmamalaki ng Pinili bilang “national living treasure” dahil sa kanyang natatanging kahusayan sa larangan ng paghahabi. Sa kanilang pagkikita, naihayag ng mga cotton farmers ang kanilang kagustuhan at panawagan na magkaroon ng magandang patubig para masuplayan sila ng sapat na tubig sa kanilang mga pananim at sakahan.


Nagpapasalamat ang mayor ng Pinili na si Rommel Labasan at iba pang lokal na opisyal dahil malaking tulong ang proyekto na ito para sa ipinagmamalaking industriya ng bayan ng Pinili at para na rin sa mga Lumbaan-Bicbica Irrigators Association.

“Maipapakita natin na wala nang shortage yung cotton para ma-sustain ang kailangan ng mga manghahabi natin sa Lumbaan-Bicbica,” ani Labasan. (JCR/VHS/MJTAB PIA Ilocos Norte)


About the Author

Ma. Joreina Therese Blanco

Writer

Region 1

Ma. Joreina Therese A. Blanco is an Information Officer II of the Philippine Information Agency Ilocos Norte Information Center based in Laoag City, Ilocos Norte. She is currently the Information Center Manager of PIA Ilocos Norte.

Feedback / Comment

Get in touch