Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

14 magkasintahan sa Odiongan, sabayang nagpakasal

May forever sa labing-apat na pares ng magkasintahan na ito, matapos silang ikasal noong December 2 sa ginanap na kasalang barangay sa Barangay Rizal sa Odiongan, Romblon. (Larawan mula sa Odiongan PIO)

May "forever" sa labing-apat na pares ng magkasintahang ito, matapos silang ikasal noong Disyembre 2 sa ginanap na kasalang barangay sa Barangay Rizal sa Odiongan, Romblon.

Mismong si Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic ang nagkasal sa kanila at nasgsilbi namang ninong at ninang ang iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Local Civil Registry Office at Lokal na Pamahalaan ng Odiongan bilang tulong sa mga magkasintahan na nahihirapang magpakasal dahil sa kapos na budget.

Maliban sa magandang venue, at pakain, nakatanggap rin ng mga regalo ang bawat mag-asawa mula sa kanilang mga ninong at ninang na mismong ang LGU ang nag-imbita.

Upang mapanatili ang physical distancing, siniguro ng lokal na pamahalaan na tanging mga close-relative lang ang maaring dumalo sa kasal. (PJF/PIA Mimaropa)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch