Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tulong sa mga driver sa gitna ng pandemya

Si Mang Rommel ay isang driver mula sa National Capital Region na katuwang ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa paghahatid serbisyo sa ating mga commuter sa pamamagitan ng Service Contracting Program.

Ayon kay Rommel, malaking tulong para sa mga mananakay, driver at operator ang Service Contracting Program na ipinatupad ng DOTr at LTFRB, alinsunod sa marching order ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte upang tugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan sa panahon ng pandemya.

Ayon kay DOTr Secretary Art Tugade, malaking tulong ang Service Contracting sa mga drayber dahil sila ay nababayaran, may sakay man sila o wala. Maliban dito, malaking tulong din ito sa mga pasahero dahil sa dulot nitong Libreng Sakay.

Lubos ang pasasalamat ng ahensya sa malasakit at serbisyong hatid ng mga operator at driver para sa ating mga commuter!

About the Author

Susan De Leon

Assistant Regional Head

NCR

Current Officer-in Charge of PIA-NCR

Feedback / Comment

Get in touch