Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga komunidad sa Mimaropa, dapat laging handa sa sakuna

Noong 2009, kasama sa nasalanta ng Ondoy si Merari Rosaroso, residente mula sa lungsod ng Marikina.

Batay sa kasaysayan, nagdulot ng malawakang pagbaha sa Kamaynilaan ang Bagyong Ondoy at nag-iwan ng may 464 na patay at 37 na nawawala.

May pera sa bulsa si Merari ngunit dahil sarado ang mga tindahan ay wala siyang mabilhan ng pagkain sa kanyang mga lola’t lolo noong mga panahon.

Basa lahat ang kanyang mga gamit pati mga damit

Ngayong bahagi na siya ng Mines and Geoscience Bureau (MGB)–Mimaropa bilang isang geologist, hinihikayat ni Merari ang mga kababayan sa Palawan at sa ibang pang lalawigan maapektuan ng Bagyong Odette na maghanda.

Sa panayam ng programang 'Tara Na Byahe Tayo' ng One FM Palawan, sinabi ni Merari na kailangan mayroong naitatabing mga pagkain, mga damit at iba pang batayang pangangailangan gaya ng mga pailaw para magamit sa sakuna.

Malawakan ang magiging pag-ulan at malakas ang hangin na maaaring dala ng Bagyong Odette sa halos buong Palawan.

Batay sa forecast ng Department of Science and Technology-Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA), noong Disyembre 16 ng hapon, magdamag tatawirin ng Bagyong Odette ang kabisayaan hanggang sa umabot sa umaga ng Disyembre 17.

Bahagi ng paghahanda ang pag-alam kung aling lugar ang mga binabaha.

Ayon kay Merari, nabuo nila ang mga listahan ng mga barangay na binabaha sa tulong ng mga residente na inabutan ng mga malalakas na bagyo.

Sa pagtatanong kung saan at gaano kataas ang baha, may paunang impormasyon silang magagamit sa kanilang pagmamapa.

Dapat din maunawaan ng publiko ang epekto ng tuloy-tuloy  na pag-ulan: ito ay ang landslide.

Ang pagkakaroon din ng biglaang pagsirit o pagbukal ng tubig sa dalisdis at iba pang bahagi ng bundok ay indikasyon ng paglambot ng lupa. (LP)

Ipinapaliwanag ni Merari Rosaroso ng MGB Mimaropa sa programang Tara Na Byahe Tayo ang mga indikasyon ng mga pagguho ng lupa gaya ng pagkakaroon ng bukas ng tubig sa mga dalisdis, na nagiging sanhi ng landslide. (LP)

About the Author

Lyndon Plantilla

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch