Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Birdwatching, bagong atraksyon na ibibida sa Ilocos Norte

Ang bagong-lunsad na Birdwatching circuit sa Paoay Lake National Park sa Ilocos Norte, maaari nang ma-enjoy ng mga bird-enthusiasts.


Ang bagong atraksyon na ito ay parte ng regionwide na proyekto ng Department of Tourism (DOT) Rehiyon Uno na “Find the One in Region One” na may laong pausbungin ang turismo sa rehiyon sa kabila ng pandemya.


Ang payapang paligid ng Paoay Lake ay puntahan ng mga migratory at endemic o lokal na mga ibon, kaya naman malaki ang potensyal ng lawa sa birdwatching.


Ibinida naman ng mga birdwatchers na validators ng DOT-RO1 ang mga ibat-ibang uri ng mga ibong kanilang nakita sa Ilocos Norte.


Ilan lamang dito ang The Great Cormorant, Black-crowned Night-Heron, Eurasian Duck, Brahminy Kite, Grey Heron, Long-tailed Shrike, Spotted wood kingfisher, Rofous Horbill, Philippine Duck, Philippine Falconet, at Philippine Serpent Eagle.


"Ang pinaghalong ekolohiya ng probinsya mula sa mga malawak na sand dunes at tropikal na kagubatan ang nag-aanyaya sa mga ibat-ibang uri ng ibon na bumisita sa lugar," saad ni Evangeline Dadat, Officer-In-Charge ng DOT RO1, 


Ang Birdwatching circuit sa Paoay Lake National Park ay bukas na din para sa mga gustong mag birdwatching na mga turista. Umaasa ang DOT RO1 at ang probinsyal na gobyerno ng Ilocos Norte na ito ay hindi lamang magsilbing atraksyon kundi na din paalala para sa pagpapahalaga sa konserbasyon ng kalikasan sa probinsya. (JCR/EJMG, PIA Ilocos Norte)

About the Author

Emma Joyce Guillermo

Job Order

Region 1

Feedback / Comment

Get in touch